Pumadyak sila mula Cubao X. Ako sumakay sa LRT bitbit ang aking folding bike (hehehe). Bumaba ako sa Legarda, nakipagtsikahan sandali sa mga guwardya at dali-daling pumadyak punta sa isang bike shop sa Quiapo. Mula Quiapo, naabutan ko silang lahat sa may kanto ng Espana at Forbes. Kumain sa Bulaluhan sa Espana at nagpatuloy balik sa Quiapo. Congrats sa lahat lalo na sa mga nanalo sa raffle. May raffle daw dahil November Clean Air Ride!